Ang pagbigkas ng Panatang Makbayan ay alinsunod sa Batas Republika Blg. 1265, isa sa maraming batas ng pambansang simbolo, na naaprubahan noong Hulyo 11, 1955. Ang batas na ito ay ipinatupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng isang utos ng Kagawaran ng Edukasyon, na kilala bilang DepED Order No 8, na naaprubahan noong Hulyo 21, 1955. Ang panunumpa ay binago ng DepED Order No. 54, series 2001 noong Nobyembre 2001 ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Raul Roco, na gumagamit ng mas maiikling linya na may maraming conversational Filipino.
Bagama't nakasaad sa Department Order No. 8 na ang Panatang Makabayan ay maaaring bigkasin sa Ingles o anumang katutubong wika, ang panunumpa ay karaniwang binibigkas ngayon sa Filipino. Gayunpaman, mayroong dalawang bersyon ng Panatang Makabayan sa Filipino: ang kasalukuyang bersyon ay isang mas maikli, makatang salin at ang dating bersyon ay isang direktang pagsasalin ng orihinal na Ingles.
Panatang Makabayan
Filipino - Kasalukuyang bersyon (November 2001)
Iniibig ko ang Pilipinas, aking Lupang Sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungan
Upang maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas
Salin sa Ingles ng kasalukuyang bersyon:
I love the Philippines, the land of my birth,
The home of my people, it protects me and helps me
Become strong, hardworking, and honorable.
Because I love the Philippines,
I will heed the counsel of my parents,
I will obey the rules of my school,
I will perform the duties of a patriotic citizen,
Serving, studying, and praying faithfully.
I offer my life, dreams, successes
To the Philippine nation.
Nasa ibaba naman ang orihinal na bersyon nito sa Filipino at ang salin nito sa wikang Ingles:
Orihinal na bersyon:
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
Salin sa Ingles ng English ng orihinal na bersyon:
I love the Philippines.
It is the land of my birth;
It is the home of my people.
It protects me and helps me to be strong, happy, and useful.
In return, I will heed the counsel of my parents;
I will obey the rules of my school;
I will perform the duties of a patriotic, law-abiding citizen;
I will serve my country unselfishly and faithfully
I will be a true Filipino in thought, in word, in deed.
Marami sa mga mag-aaral bago ang kautusan ni Sec. Roco ang hindi nakaaalam ng bagong bersyon. Kung panunumpain, tiyak na ang orihinal na bersyon ang kanilang bibigkasin.
Narito ang aking naisip na bersyon ng Panatang Makabayan sa Filipino:
Panatang Makabayan
Minamahal kita Inang Bayan,
Dahil ikaw ang lupang tinubuan.
Sa iyo nagmula ang aking lahi;
Mapagmahal, marangal, at maka-Diyos na lipi.
Nangangako akong susundin,
Mga tungkulin sa Saligang Batas natin.
Mamahalin ko ang aking mga magulang;
Na nagturo sa akin na maging mabuti at magalang.
Ipagtatanggol kita sa mga mananakop na dayuhan,
Puti man sila, dilaw o sakang.
Lalaban ako hanggang kamatayan;
Sapagka't ako ang pag-asa ng bayan.
English translation of my oath:
I love you Motherland,
Because you are my homeland.
From you came my race;
Loving, noble, and godly tribe.
I promise to follow,
My duties in our Constitution.
I will love my parents;
Who taught me to be kind and polite.
I will defend you against foreign invaders,
Whether they are white, yellow, or bandy-legged.
I will fight to the death;
Because I am the hope of the land.
Kung ikaw ay pagagawin ng iyong bersyon ng panunumpa sa Pilipinas, ano ang iyong bersyon?
Sanggunian: